Pulis Kasanggayahan nakatanggap ng higit 100 Assault Rifle mula sa Camp Crame

Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa pagpapatupad ng batas.

Isa sa mga highlight ng dalawang aktibidad na ginanap sa loob ng Punong Himpilan ng Pulis Kasanggayahan noong Biyernes ay ang seremonya ng turn-over ng PNP property at ng adisyunal na apat na narcotic dogs.

Aabot sa 115 Korean DSAR15 basic assault rifles, 33 tactical vests level 3-A, 18 Investigator’s crime scene set, 130 reflectorized raincoats at apat na K9 narcotic canine na donasyon ng PLGU.

Una rito, isinagawa ang blessing ng St. Michael The Archangel ng SPPO camp chapel kung saan naging panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod na si Ester Hamor na siya ring Hermana Mayor ng nasabing chapel.

Ang ‘improvement’ ng chapel ay naging posible sa inisyatiba ni Police Director Col Dionesio Laceda at Maj Rowel Erandio at sa suporta ni Gov Jose Edwin Hamor na siya ring Hermano Mayor ng chapel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *