House, wi-nelcome ang positive economic outlook ng DOF sa ekonomiya ng bansa

Winelcome ng House of Representative ang positive economic outlook ng Department of Finance (DOF) pagdating sa ekonomiya ng bansa.

Ito ay matapos ang pahayag ni DOF Secretary Benjamin Diokno kung saan nakikita umano nito ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng bansa pagdating ng 2023.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi rin ng DOF Scecretary na ‘the worst is over’ para sa ekonomiya ng Pilipinas.

Dahil dito, ani Romualdez, inspirado nang magtrabaho ang mga kasama niya sa kongreso.

Aniya, handa silang pagbutihin pa ang kanilang ginagawa para mai-boost ang ekonomiya ng bansa at mas mapabuti ang living condition ng mga tao.

Samantala, sa kabila ng growth trajectory, ipinangako rin ni Romualdez ang pagpasa ng natitirang 12 priority measures ni Pangulong Bongbong Marcos kapag nag-resume na sa sesyon ang Kongreso.//SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *