Humanitarian, disaster response exercises ng Japan, US at Pilipinas, ilulunsad

Inanunsyo ng Pilipinas na maglulunsad ng Japan-Philippines-US humanitarian assistance and disaster response exercise na maaaring isama sa umiiral na trilateral o multilateral activities tulad sa gagawing Balikatan 2025.

Sa Joint Vision Statement na inilabas ng mga lider ng tatlong bansa, nangako silang palakasin pa ang malawak na koordinasyon upang isulong ang kamalayan sa maritime domain at palalimin ang kooperasyon sa humanitarian assistance at disaster relief.

Ito ay upang matiyak na handa ang mga bansa na magtulungan at mabilis na makatugon sa panahon ng anumang krisis.

Kasabay nito, inanunsyo rin nila ang pagtatatag ng trilateral maritime dialogue para mapahusay ang koordinasyon at kolektibong pagtugon sa illegal, unreported, and unregulated fishing.

Nangako rin ang US at Japan na patuloy nilang susuportahan ang capacity building ng Philippine Coastguard.

Asahan din ang pagsasagawa ng coastguards ng tatlong bansa ng at-sea trilateral exercise at iba pang maritime activity sa Indo-Pacific upang mapabuti ang interoperability at mapalakas ang seguridad at kaligtasan sa karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *