DBM, kinondena ang pagpapanggap ng ilang indibidwal bilang miyembro ng ahensya

Nagbabala si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman sa publiko hinggil sa mga taong nagpapanggap na DBM officials.

Ito ay matapos maaresto ng Bureau of Investigation (NBI) ang walong indibidwal na nagpanggap na mga tauhan o may koneksyon sa ahensya.

Nahuli ang mga ito ng mga otoridad sa isang entrapment operation sa Mandaluyong noong March 26, 2024.

Ayon kay Pangandaman, kinokondenan nila ang nasbaing gawain.

Paalala niya sa mga tao – agad na i-report kapag may lumapit na nagsasabing tauhan sila ng DBM at nagsabing kaya nga mga ito na magpalabas ng pondo mula sa kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *