Ika-123 taon ng Battle of Legazpi, ginunita bilang pag-alala sa katapangan

Ginunita ng City Local Government Unit (LGU) Legazpi at Philippine National Police ang ika 123 na Battle of Legazpi sa Quezon Avenue-Rizal St. Rotonda.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Vice Mayor Robert Cristobal, mga opisyal ng LGU at isa sa mga naging panauhin pandangal ay si PRO 5 Regional Director PBGen. Rudolph Dimas.

Hinimok ni Dimas ang mga residente ng rehiyon na laging alalahanin ang kagitingan at pagiging makabayan ng mga lumaban at nagtanggol sa bansa mula sa pananakop ng mga Amerikano.

Inalala at binigyang-pugay ni Dimas ang kabayanihan at katapangan ng mga rebolusyonaryong grupo.

Ang kanilang mga aksyon ay isang patunay na ito ay hindi lamang sa kanilang pagkamakabayan, sa kanilang walang pag-iimbot na pagmamahal sa kanilang bayan at sa kanilang mga tao, kundi sa likas na katangian at pagpapahalaga ng mga Pilipinong nagbibigay ng paniniwala sa ating pagkakakilanlan bilang isang bansang kilala sa katapangan at katatagan.

Hinihiling naman ni Cristobal sa mga kabataan, partikular na sa mga mag-aaral, na isama ang parehong kagitingan ng mga sundalong Pilipino sa pamamagitan ng paglaban sa katiwalian, ilegal na droga at COVID-19 pandemic.

Dumalo rin sa seremonya ng paggunita ang mga beterano ng digmaan, mga guro, estudyante, mga opisyal at tauhan ng Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga miyembro ng Albay Chamber of Commerce and Industry.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *