Ikalawang koleksyon sa mga misa kahapon ilalaan para sa iba’t ibang charitable work ng Santo Papa

CAMARINES NORTE- Ilalaan ang ikalawang koleksyon sa misa kahapon sa mga simbahan ngayong Linggo, June 26, sa lalawigan para sa iba’t- ibang proyekto at charitable work  ng Santo Papa.

Ito ang inanunsiyo ng Diocese of Daet sa pamamagitan ng inilabas na circular na naka- address sa mga kaparian, relihiyoso at laykong mananampalataya.

Ipinagdiriwang kahapon ang St. Peter the Apostle Sunday at ayon sa Diocesan Circular ang ikalawang koleksyon ay mapupunta sa Peter’s Pence Collection na intended para sa various apostolic and charitable work sa buong mundo ni Pope Francis.

Hinikayat sa naturang circular ang maga mananampalataya na suportahan ang mga initiative ng Santo Papa.

Samantala, isinagawa din kahapon ang closing ceremony ng 10th World Meeting of Families.

Ito ang itinuturing na pinakamalaking pagtitipon ng mga pamailyang katoliko sa buong mundo na ang naging sentro ng selebrasyon ay sa Vatican.

Dahil sa pandemya, nilimitahan lang ang participants sa naturang pagtitipon.

Minarapat naman ng lokal na simabahan na magkaroon ng aktibidad ukol dito.

Sa 2028 na ang sunod na World Meeting of Families batay sa anunsiyo ng Vatican.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *