DepEd Naga pinasalamatan ang BNFM at mga bumuo ng Radyo Aralan sa matapos na masungkit ang Best Educational Technology Innovation Award

NAGA CITY- Nasungkit ng DepEd Naga City ang Best Educational Technology Innovation Award sa programang “Radyo Aralan”.

Isa sa mga paraan ng DepEd sa pagtuturo sa kasagsagan  ng pandemya kung saan naririnig sa radyo ang mga guro at napapanood din sa facebook page na para bang nasa silid-aralan din.

Layunin ng nasabing istilo ang mapagaan ng pag-aaral ng mga nasa modular learning.

Pinasalamatan ni Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman ang mga naging partner Radio Stations; Brigada News FM Naga, Idol FM- Naga at Radio Caritas.  Gayundin ang mga guro na naging radio anchors na ayon kay De Guzman ay pinahanga ang mga organic na miyembro ng broadcast industry.

Ang awarding ceremony ng DepEd Edtech Unit ng Dept of Education ay ginawa sa Baguio City na dinaluhan ng maraming DepEd Units.

Ang parehong pasasalamat ay sinabi rin sa entablado ni Radio-Based Instruction coordinator Jo Solis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *