Albay, nanatiling alert level 1 ng Covid-19 restriction simula May 16-31

LEGAZPI-Muling nakasama sa tatlong lalawigan sa Bicol Region na mananatiling sa ilalim ng Alert Level 1 ng Covid-19 classification ang lalawigan ng Albay simula May 16-31.

Batay ito sa pinalabas na advisory ng National Inter agency Task Force.

Ayon din sa record ng Albay Provincial Health Office, ito ay matapos na 2 lamang ang naitala ng lalawigan ng bagong kaso ng nakakahawang sakit simula May 8-14.

Sa ilalim pa rin ng alert level 1, kahit na walang paghihigpit sa pagpasok sa mga establisyemneto at pagsakay ng transportasyon, pinapayuhan pa rin ang mga residente na panatiling magsuot ng facemask, huwag kalimutan ang paggamit ng alcohol at pag iwas sa matataong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *