Ilang ekonomista, nanindigang dapat mapantayan ng sahod ang patuloy na inflation

Idiniin ng ilang mga ekonomista na hindi sasapat ang aprubadong P40 na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Professor Emamnuel Leyco – dapat ay gamitin ang tamang inflation index upang sukatin ang angkop na inflation rate base sa estado o kakayahan ng mamamayan ng bansa.

Aniya, ang dagdag na suweldo ay kulang na kulang pa kung pagbabasehan ang pagtaas ng mga bilihin sa mga nagdaang taon.

Dahil dito, kailangan din umano mag-iba ang basehan ng purchasing power at inflation rate ng mga minimum wage earner maging ang katumbas ng pagtaas ng mga minimum wage nito.

Dagdag pa ni Leyco – dapat ay kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pagtaas ng mga sahod natin. //SAC, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *