Solon, positibong maipapasa ang OTOP Bill

Positibo si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte sa posibleng enactment ng “One Town, One Product (OTOP)” Bill na makakatulong na mas maging competitive ang mga local products sa international market, at bilang resulta ay lalakas umano ang ekonomiya ng Pilipinas.

Mababatid na ang naturang panukala ay naratipikahan na sa Kamara at sa Senado.

Paliwanag ng dating House deputy speaker, na ang approval ng Kongreso sa OTOP ay napapanahon dahil kaapruba lang umano ni Pangulong Bongbong Marcos sa DTI-drafted PEDP o Philippine Export Development Plan 2023-2028 sa gitna ng humihina na export sector, na resulta mula sa nakaambang recession sa United States at ng global economic slowdown”.

Una nang sinabi ng MalacaƱang, na layunin ng programa na madoble ang export level ng bansa mula sa $126.8 billion ngayong taon sa $240.5 billion sa 2028. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *