Ilang mambabatas naman – naniniwalang dapat na ring magpataw ng price cap sa kamatis at sibuyas

Rinding-rindi na ang isang Kongresista sa palusot na ginagawa ng Bureau of Plant Industry (BPI) kaugnay sa naging hoarding at price manipulation ng sibuyas sa bansa.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay kay House Deputy Majority Leader, ACT-CIS party-list Representative Erwin Tulfo, sinabi nitong nakarating din sa kanila ang pagsirit naman ng presyo ng Kamatis na halos P15 pesos na ang isa na hindi na aniya nagugustuhan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Nanggigil na sinabi ni Cong. Tulfo, na kapabayaan ng BPI ang dahilan kung bakit hindi naaksyunan ang ganitong usapin at hindi dahil sa existing guidelines na tinutukoy ng mga ito kung kaya wala silang kakayanan na pigilan ang hoarding.

Una rito, iginiit ng Mambabatas sa naging imbestigasyon ng Kamara kahapon na P1 na lamang dapat ang budget ng BPI dahil sa pagkukulang nito sa pag-monitor ng mga cold storage facility at hindi pag-aksyon sa mga naiipit na supply na itinatago ng ilang trades kung kaya sumirit pataas ang presyo ng Sibuyas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *