Sen. Tolentino, handang magbigay ng legal advise para kay dating PNP chief Sen. Dela Rosa

Tumangging magbigay ng komento si Senador Francis Tolentino sa naging pahayag ni dating senador Sonny Trillanes IV na mag-iisyu ang International Criminal Court (ICC) ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa naging ‘war on drugs’.

Ayon kay Trillanes, posibleng maisailalim din sa gagawing imbestigasyon ng ICC si dating Philippine National Police (PNP) chief Senador Ronald Bato Dela Rosa.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Tolentino na handa siyang magbigay ng legal counsel o advice sa kasamahan niyang senador.

Maalala, ayon kay Trillanes, kasama rin umano sa pinaplanong issuehan ng arrest warrant ng ICC si Vice President Sara Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *