Ilang rice retailers sa Metro Manila, ‘di pa rin binabalik sa dating presyo ang bigas

Sa kabila ng pag-alis sa price cap sa bigas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ilang rice retailers sa pamilihan ang hindi pa ibinabalik ang dating presyo sa kanilang produkto.

Sa pag-iikot ng Brigada News FM Manila sa Guadalupe Market, hindi pa rin binabago ang presyo ng well-milled rice na nasa 45 pesos ang kada kilo habang 42 pesos naman sa regular rice.

Ayon kay Rey Panganiban isa sa rice retailer na ating nakapanayam, naghihintay pa sila ng abiso kung ibabalik na nila sa dating presyo ang bigas na mula sa 54 hanggang 55 pesos.

Idinadaing pa rin nila ang pagkalugi sa pagbaba ng presyo pero nabigyan naman na raw sila ng ayuda ng pamahalaan na labing limang libong piso.

Maaalalang Setyembre 5 naging epektibo ang Executive Order 39 na inilabas ni Marcos para itakda sa P41 per kilo ang regular-milled rice, at P45 per kilo naman ang well-milled rice.

Ipinatupad ang naturang pagkontrol sa presyo ng bigas dahil sa labis na mataas ang presyo ng naturang produkto.

Bagaman inalis na ang price cap, sinabi ni Marcos na patuloy ang gagawin nilang pagkakaloob ng tulong sa mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *