Ilang senador, nakikitang ‘cartel behavior’ ang nasa likod ng mataas na presyo ng asukal

Naniniwala si Senator Risa Hontiveros na ang “cartel behavior” ang dahilan ng laging pagtaas sa presyo ng asukal sa merkado.

Giit ni Hontiveros, dapat bumaba na ang presyo nito matapos payagan ng gobyerno ang pag-angkat ng 440 metric tons ng asukal.

Para sa senadora, hindi natupad ang totoong layunin ng pamahalaan sa importation o di naman kaya ay meron umanong ginagawa ang ibang mga players na minamanipula ang presyo.

Sa gitna nito, kinuwestiyon din ni Hontiveros ang desisyon ng gobyerno na payagan lang ang tatlong kompaniya na mag-import ng asukal sa ngayon, samantalang sa naunang sugar orders na inilabas ng Sugar Regulatory Administration (SRA) pinayagan ang partisipasyon ng 10 hanggang 30 sugar importers. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *