Inflation rate sa Albay, nasa 6.8% nitong buwan ng Nobyembe  – PSA Bicol

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol na ang lalawigan ng Albay nasa ikalimang pwesto lamang sa mababang inflation rate nitong Nobyembre.

Ayon kay Vladimir Peraja, ang regional spokesperson ng nasabing tanggapan, nakapagtala ang Albay na inflation rate na 6.8%; pinakamataas rito ang Camarines Norte na may 8.9%, sinundan ng Camarines Sur na 8.1%, Sorsogon na 7.4%, Masbate na 7.1% habang pinakamababang inflation rate ang lalawigan ng Catanduanes na mayroon lamang na 6.3%.

Aniya, pinakadahilan ng pagsipa ng inflation sa lalawigan sa mataas na antas ay ang restaurants and accommodation services, pabahay, tubig, kuryente, at petrolyo.

Nag-ambag din sa mataas na inflation ang mataas na presyo ng food and non-alcoholic beverages, alcoholic beverages and tobacco, transport at furnishings, household equipment at routine household maintenance.

Kapag mataas umano ang inflation ay lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakalanganing gumastos ng mas malaki ng mga tao para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

Kung titingnan ang mga datos, mabilis ang naging pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lahat ng probinsiya sa Bicol nitong Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *