Inflation rate sa Camarines Norte pumalo sa record high na 9. 5 % noong Enero

CAMARINES NORTE- Pumalo sa record high na 9. 5 percent ang inflation rate sa Camarines Norte noong Enero dahil sa tila ayaw paawat na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mas mataas ito kumpara sa 8. 6 percent noong Disyembre at sa 2. 4 percent lang sa kaparehong panahon noong isang taon.

Ito na ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Nortesa loob ng limang taon.

Ang mataas na inflation sa lalawigan ay dahil sa mataas na renta sa bahay, tubig, kuryente at petrolyo at mahal na restaurants and accommodation services.

Nag ambag din sa mataas na inflation ang mahal na presyo pagkain at non- alcoholic beverages, transportasyon, alcoholic beverages and tobacco at furnishings, household equipment and routine household maintenance.

Isa rin ang Camarines Norte sa may pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Bicol Region na halos kapantay ng Camarines Sur na mayron namang 9.6 percent.

Kung titingnan ang datos lahat ng probinsiya sa Bicol ay nakapagtala ng mataas na inflation.

Umabot sa antas na 7. 8 percent ang inflation rate sa Catanduanes, 7. 6 percent sa Albay at Masbate at 6. 4 percent naman sa Sorsogon.

Kapag mataas ang inflation ay lalong lumiliit ang halaga ng pera at kakailanganing gumastos ng mas malaki ng mga tao para sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

Sa buong Bicol pumalo sa antas na 8. 3 percent ang headline inflation na mas mataas sa 7. 2 percent noong Disyembre 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *