Presyo ng diesel natapyasan ng hanggang P3.00, gasolina ng hanggang mahigit P2.00

CAMARINES NORTE- Nakahinga ng maluwag kahit papaano ang mga Cam Norteno makaraang maputol ang sunod- sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Epektibo kahapon ay natapyasan ng hanggang P3.00 ang kada litro ng diesel at hanggang mahigit P2.00 naman sa gasolina.

Kumpara kasi sa mga karatig lalawigan mas mataas ang presyo ng petrolyo sa Camarines Norte.

Sa Shell Mancruz nasa 70. 50 ang kada litro ng kanilang fuel save diesel, P75.00 ang V- poer diesel, P75. 25 ang fuel save gasoline at P76. 95 sa V power gasoline.

Sa Seaoil P67. 95 ang exceed diesel, P71. 65 ang Extreme U at P72. 15 ang Extreme 95.

Sa Ptt gasoline stationĀ  P66. 95 ang kada litro ng kanilang blue diesel, P70. 65 sa Blue Gasoline 93+ at P71. 15 sa kada litro naman ng Blue Gasoline 95+.

Sa Petron Pandan P66. 99 ang diesel, P70. 65 sa Xtra advance, P71. 65 sa XCS at P68. 95 sa Turbo diesel.

Sa katapat nitong Phoenix petroleum P67. 85 ang diesel, P71. 59 sa super unleaded at P72. 55 sa premium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *