Pilipinas, nakatakdang maghost ng 2025 FIVB Men’s World Championship

Naghahanda na ang Pilipinas na i-host ang 2025 FIVB Men’s World Championship matapos itong maging matagumpay bidder.

Iginiit ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon ‘Tats’ Suzara na handa ang ating bansa sa anumang hamon na ibibigay ng FIVB.

Dagdag pa nitong kung mahal ng isang fan ang volleyball, tiyak na mamahalin rin nito ang Pilipinas.

Ayon sa Pangulo ng FIVB na si Dr. Ary S. Graça na hindi lamang ito magbibigay inspirasyon sa isang bagong henerasyon ng mga atleta, ngunit makakatulong din upang hikayatin ang mas mataas na pakikilahok sa isport sa lahat ng antas sa bansa.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *