Isang Filipino casualty, vine-verify na ng embahada sa Israel; Pilipinong natamaan naman ng bala sa bakbakan, nagpapagaling na

Kinukumpirma na ng Philippine Embassy sa Israel ang pagkamatay ng isang Pilipino sa nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng Hamas.

Sa isang panayam, sinabi ni Ambassador Israel Pedro Laylo na vine-verify na nila ang isang ulat kung saan ay isa raw Filipino caregiver ang posibleng nasawi sa Israeli conflict.

Inaalam na rin umano ang napaulat na pagdakip sa isang Pilipino.

Samantala, sinabi naman sa panayam ng Brigada NewsFM ni Department of Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na nagpapagaling na ngayon ang isang Pilipinong natamaan ng bala.

Sa huli, muling tiniyak ni de Vega na handa ang pamahalaan ng Pilipinas na i-repatriate ang ating mga kababayan sakali mang may humiling na makauwi na sila ng Pilipinas.

Sa kabuoan – mayroon nang siyam pa pamilya mula sa Gaza ang nag-request ng repatriation.

Binubuo ito ng 38 Filipino nationals at 11 na mga asawang Palestinian.

Sa 38 na bilang, 17 ang mga menor de edad.

Nasagip na rin ang 22 Pilipino na kabilang sa 29 na naunang napaulat na nawawala sa bansang Israel.

Sa ulat ni Laylo, nasa ligtas na lugar na rawngayon ang mga nasagip na Pilipino.

Naiparating naman na ng Ebhada sa Israel military authorities ang concern ng isang Pilipina na nagsabing nakita nito sa video na kumakalat online ang asawa nito na kabilang sa mga hawak ng armadong kalalakihan.

Samantala nasa 7 pa ang hindi makontak sa kanilang mobile numbers maging sa social media.

Hindi naman tumitigil ang Embahada ng bansa sa pakikipag ugnayan sa Israeli authorities para malaman ang kanilang kalagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *