19 4Ps grantees sa R-12, pasado sa Social Work Licensure Exam

KORONADAL CITY- PUMASA sa 2023 Social Work Licensure Examination ang 19 na mga grantees ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Region 12.

Ito ay kinabibilangan ng anim na mga 4Ps beneficiaries mula sa Sultan Kudarat, apat sa Saranggani at apat din sa South Cotabato, tatlo sa Cotabato at dalawa sa General Santos City.

Kabilang sa mga nakapasa ay ang magna cum laude graduate ng Notre Dame of Midsayap na si Meryl Joy Capote Tenorio at ang parent leader ng Daan Suyan, Malapatan, Saranggani na si Jovelyn Masla.

Inihayag ng mga ito na malaki ang impluwensiya sa kanilang ng mga municipal links ng DSWD kung kayat social work ang napili ng mga itong propesyon.

Pinuri naman ni DSWD 12 – 4Ps program coordinator Naifah Balindong ang mga bagong social workers at sisikapin umano nila na mabigyan ang mga ito ng prayoridad sa mga job hiring sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *