Isang mambabatas, nanawagan na ihinto ang importasyon ng sibuyas sa bansa

Nananawagan ang isang mambabatas na ihinto ang importasyon ng sibuyas sa bansa.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Rosanna Ria Vergara, tigilan na ang pagbibigay ng import permit para sa sibuyas dahil wala nang bumibili sa mga Pilipinong magsasaka.

Dagdag pa ni Vergara, ang landed cost ng imported na sibuyas ay P35 kada kilo na malayo sa P65 hanggang P70 kada kilo na farm gate price sa Pilipinas.

Nangangamba ang mambabatas na maging ‘import dependent’ ang bansa kahit sapat naman ang suplay ng sibuyas ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *