Mayon evacuees sa Sto. Domingo, Albay na dinecamp na, nakatanggap ng pabaon mula kay Gov. Lagman

LEGAZPI CITY – Personal na binisita at iniabot ni Albay Governor Edcel “Grex” Lagman ang kaniyang ‘pabaon’ sa mga bakwit ng Bulkang Mayon na idinecamp na.

Maliban sa pagkain at iba pang assorted food packs, pagsaludo at pasasalanat ang ilan sa naging pabaon nito sa aabot sa 1,600 na mga pamilyang tuluyan nang nakauwi sa kani-kanilang mga tahanan sa bayan ng Sto. Domingo.

Matatandaan, ipinag-utos ng LGU nito ang pagpapauwi sa mga bakwit noong Setyembre 8 matapos ang halos tatlong buwan pamamalagi ng mga ito sa evacuation centers dahil sa abnormalidad ng bulkan.

Nagbigay-pugay naman si Lagman sa lahat ng pamilyang nagsakripisyo sa mga evacuation centers at nakiisa sa pamahalaan upang matiyak lamang ang kanilang kaligtasan sa posibleng piligro na dulot ng pag-alburuto ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *