Ivana Alawi, inamin na may nagpapatibok na sa kanyang puso

Masaya ang estado ng love life ng aktres at content creator na si Ivana Alawi.

Sa isang Youtube vlog kasama si Bea Alonzo, pabiro nitong tinanong si Ivana kung kamusta ang kanyang love life.

Pag-aamin ni Ivana na may ka-date siya ngayon kaya’t masaya ang kanyang puso.

Sa kabila naman ng panunukso ni Bea tungkol sa pagkakakilanlan ng nagpapatibok sa puso ni Ivana ay pinili nitong panatilihing pribado.

Samantala, napag-usapan naman ng dalawa ang isyung ‘cheating’  at parehas silang sumang-ayon na kapag nangaliwa ang isang tao ay hinding-hindi ito magiging masaya dahil hahantong lamang sa kalungkutan at paghihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *