Jayson Tatum nakuha ang NBA All-Star Game MVP

Umiskor ng All-Star Game record na 55 points si Jayson Tatum ng Boston Celtics at nakuha ang MVP honors habang pinangunahan ng Team Giannis sa 184-175 na tagumpay laban sa Team LeBron sa taunang showcase game sa Salt Lake City.

Pinangunahan ni Jaylen Brown ng Celtics ang Team LeBron na may 35 points at game-high na 14 rebounds. Si Kyrie Irving ng Dallas Mavericks ay may 32 points at 15 assists at si Joel Embiid ng Philadelphia 76ers ay umiskor din ng 32 puntos para sa Team LeBron.

Hinati ni Tatum ang dalawang free throw para makuha ang point No. 53 at gawin itong 177-162. Nalampasan niya ang 52 points na itinakda ni Anthony Davis noong 2017.

Si Tatum ay 22-of-31 shooting ay nag-ambag din ng 10 rebounds at anim na assists. Ang ginawa niyang
sampung 3 points shots ay pangalawa sa kasaysayan ng All-Star kung saan nanguna sa 16 si Stephen Curry ng Golden State Warriors noong nakaraang season.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *