Jerwin Ancajas excited nang depensahan ang titulo vs undefeated Argentinian Olympian

Excited na si Jerwin Ancajas na depensahan ang kanyang world title laban sa undefeated Argentinian, bukas sa Las Vegas.

Si Ancajas ay IBF junior bantamweight world champion sa loob ng anim nang taon, kung saan target naman ni Fernando “The Puma” Martinez na makuha ang longest world title reigns sa Showtime-televised fight.

Sa panig naman ni Martinez, sobrang handa narin sila, bilang ito rin ang kanyang pinapangarap simula nung bata pa siya.

Ang 30-taong gulang na si Martinez ay lumaban sa 2016 Summer Olympics, at naging professional matapos nito, kung saan naipanalo niya ang lahat ng kanyang 13 laban, at walo dito ang knockout.

Samantala, isang beses lang lumaban si Ancajas simula noong December 2019, at natalo naman nito si Jonathan Rodriguez noong Abril sa pamamagitan ng unanimous decision. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *