Gilas, panalo vs India sa Fiba World Cup qualifiers

Maganda ang pasok ng Gilas Pilipinas sa 2023 Fiba Basketball World Cup Asian Qualifiers, matapos talunin ang India, sa 88-64.

Mababatid na maliban sa India, kasama ng Pilipinas ang New Zealand sa Group A na may 1-0 records, habang ang India ay nagtamo ng ikalawang nitong sunod na talo.

Nakuha ng Philippine team ang kanilang lead sa ikatlong quarter ng laro, hanggang sa magtuloy-tuloy sa fourth.

Pinangunahan nina Thirdy Ravena at Dweight Ramos ang laro na may combined points na 32 dahilan para maungusan ang India.

Kaugnay nito, si Ramos ay may 17 puntos at apat na rebounds, habang si Ravena ay may 15 puntos, at nag-ambag rin ng double digit points sina Roger Pogoy at Robert Bolick sa 12 at 10 points.

Bukas ng gabi, nakatakda namang makalaban ng Gilas Pilipinas ang New Zealand. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *