Jerwin Ancajas, talo vs Argentinian challenger Martinez via unanimous decision

Opisyal nang nagtapos ang mahabang panahon na paghawak ni Jerwin Ancajas sa kanyang titulo, matapos matalo ni Argentinian challenger Fernando Martinez sa pamamagitan ng unanimous decision, kahapon sa Cosmopolitan Las Vegas.

Si Martinez, na unang lumaban para sa kanyang title fight, ay natalo si Ancajas sa Las Vegas debut para sa kanyang 10th defense ng IBF super flyweight championship, sa score na 117-111, 118-111, at 118-111 mula sa tatlong judges.

Si Martinez, ay nagbitiw lang ng anim na jabs sa match, pero pinaulanan naman nito si Ancajas ng 421 power shots.

Samantala, ang kabuoang suntok ni Ancajas ay 192, na mababa mula sa kalahati na binitiwan ni Martinez.

Dahil sa naturang pagkatalo, hindi lang nagtapos ang 33-2-2 reign ni Ancajas na nagsimula noong September 2016 nang matalo nito si McJoe Arroyo, kundi nawala rin ang 22-unbeaten streak nito. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *