Joint presscon ng prexy bets, lalo lang nagpalakas kay Marcos vs Robredo – party-list group

Binigyang diin ng Akbayan Party-list na ang joint press conference nina presidential bets Isko Moreno, Panfilo Lacson at Norberto Gonzales ay lalo lang nagpalakas sa kandidatura ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa gitna nito, tinawag ng Akbayan ang naturang joint press conference ng presidential bets bilang “historic missed opportunity, triumph o pagbunyi ng macho egos, at trahedya ng political at common sense.”

Mababatid na sa naturang press conference, itinuro nina Lacson, Gonzales at Moreno ang kampo ni Robredo na nasa likod ng paghihimok sa kanila na umatras mula sa presidential race.

Pero para sa Akbayan dapat tutukan ng presidential candidates ang “bigger stakes” at pigilan na may isa pang Marcos na manalo pagkapangulo.

Iginiit rin ng party-list group na ang 2022 election ay mas malaki kumpara sa self interest ng lahat ng mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *