Ginebra kumakatok na sa kampeonato

Sumandal sa mga betarano ang Barangay Ginebra para pigilan ang tangkang pagbabalik ng Meralco Bolts sa Game 5 ng PBA Governors’ Cup.

Sinelyuhan ng Gin Kings ang panalo sa 115 – 110 para kunin ang 3-2 bentaha ng serye.

Susi sa panalo ang all-around performance ni Scottie Thompson matapos humakot ng 19 points, 11 assists at 9 rebounds.

Nagtala naman si Justine Brownlee ng 40 points at 11 rebounds.

Muntik nang makasilat ang Bolts matapos magpakawala ng 15-2 run it ibaba sa 98-97 ang lamang ng Ginebra sa huling apat na minuto ng laban.

Muling umalagwa ang lamang ng Gins kasunod ng back-to-back clutch basket ni Christian Standhardinger at tres ni Thompson.

Kumamada naman ng 30 points at 15 rebounds si Tony Bishop habang may 25 puntos si Aaron Black para Bolts.

Muling maghaharap ang dalawa para sa Game 6 sa darating na Miyerkules, April 20, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *