Judy Ann Santos, ibinalik ang kanyang cooking show matapos ang tatlong taon

Nagbabalik na sa kanyang cooking channel ang actress/chef/restaurateur na si Judy Ann Santos.

Matapos ang tatlong taong hindi pag-uupload ng kanyang mga cooking recipes, ikinatuwa ng kanyang mga fans at supporters ang pagbabalik nito sa Judy Ann’s Kitchen.

Ibinida rin nito ang bago niyang kitchen sa bahay niya sa Batangas, kung saan mas malawak at mas moderno ang design.

Ayon kay Juday, inabot ng anim na buwan ang preparation ng kanyang team para sa pagbabalik ng Judy Ann’s Kitchen.

Sinimulan din nito ang bagong episode sa pamamagitan ng isang mini-drama kasama ang mga aktor na sina Joel Saracho at Jojit Lorenzo.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *