Eumir Marcial, puspusan na ang training para sa Olympics

Puspusan ang training ng boxer na si Eumir Marcial para sa kanyang ikalawang stint sa Olympics.

Nasungkit ni Marcial ang kanyang slot sa 2024 Paris Olympics matapos maging finalist sa men’s 80-kg division ng 2023 Asian Games, kung saan nakuha niya ang silver placement.

Ilang araw bago umalis patungong Las Vegas para ipagpatuloy ang kanyang pagsasanay, pinapakinabangan ni Marcial ang kanyang oras at inilipat ang kanyang weight class sa light heavyweight mula sa middle weight.

Dagdag pa ng Filipino boxer, maari niyang makaharap sa Olympics ang dati niyang kalaban na si Oleksandr Khyzhniak.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay may siyam na mga atleta na qualified na para sa Paris Games.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *