Ilang border control points sa lalawigan ng Albay, muling inilagay upang maiwasan ang anumang klase ng sakit sa hayop

LEGAZPI CITY – Inilatag ng lokal na pamahalaan ang Animal Veterinary Quarantine Checkpoint sa ilang mga border sa lalawigan ng Albay.

Kabilang sa mga nalagyan ng border control points ay ang bayan ng Polangui at lungsod na legazpi na may tigda-dalawa, habang tig-iisa naman ang sa bayan ng Libon at Tiwi ng nasabing lalawigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Manny Victorino, Assistant Veterinary Officer ng Provincial Veterinary Office, sinabi nito na ang paglalagay ng quarantine check-point sa mga nabanggit na lugar ay upang maiwasang makapasok ang anumang klase ng sakit sa hayop.

Aniya, hindi lamang sila nakatutok sa African Swine Fever (ASF) kundi lahat ng klase ng sakit sa hayop ang kanilang mino-monitor na pumapasok sa meat products tulad ng meat loaf, karneng baboy at iba pa.

Nilinaw nito na ang tanging malalagyan ng control point ay ang nasa boundary ng lalawigan ng Sorsogon kung saan mayroong nagpositibo sa ASF at ang Camarines Sur na mula sa Metro Manila.

Sinabi ng opisyal, mas lalong naghigpit ngayon ang Pamahalaang Panlalawigan sa quarantine check-point dahil sa nangyaring pagpositibo sa ASF ng 100 baboy sa bayan ng Sta. Magdalena, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *