Kakaibang paghahanap ng date, kinagiliwan ng netizens

Kamakailan lang ay nag-concert dito sa Pilipinas ang international singer na si Ed Sheeran.

Dahil kilala ito bilang mang-aawit ng mga napakagandang love songs, dinaluhan ng mga couples ang concert nito sa Pasay City.

Ngunit ibahin ang isang fan na dumalo sa show ni Sheeran sa Mumbai, India.

Dumalo kasi ito nang mag-isa ngunit nakasuot ng isang tshirt na may malaking QR Code.

Kapag na-scan ito, lalabas sa screen ng phone ang kanyang profile sa isang Dating Application.

May nakalagay pa ritong “For single people only,” na ikinatuwa ng mga netizens dahil naging creative ito sa paghahanap ng date.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *