Kantang “Selos” ni Shaira, burado na sa lahat ng mga Online Streaming Platform

BURADO na sa lahat ng mga music streaming platform ang kantang “Selos” na inawit ng isang tubong Mindanao na si Shairaa Moro Singer.

Ito ang kinumpirma ng AHS Productions ang ahensyang humahawak sa rising moro singer.

Ayon sa inilabas na pahayag sa kanilang official Facebook page, sinabi nilang bulontaryo nilang binubura sa lahat ng mga music streaming services ang kantang ‘Selos’ habang nakabinbin pa ang ang kanilang kasunduan sa pamamahala ng orihinal na artist sa pagkuha ng lisensya sa cover ng kantang.

Kinumpirma rin nila na ang melody sa kantang “Selos” ay hango sa isang kanta na pinamagatang “Trouble is a Friend” ni Lenka na ni-released noong 2008. Si Lenka ay isang Australian singer-songwriter and actress.

Kamakailan lang matapos maging popular ang awiting “Selos”, binansagang “Queen of Bangsamoro Pop” si Shaira dahil sa kaniyang galing sa pag-awit.

Gayunpaman, ang AHS Productions na pagdating ng panahon at muli nilang mai-upload ang kanta, mararamdaman pa rin nila ang parehong pagmamahal at pagtanggap ng maraming mga Pilipino sa kanilang musika.

Samantala, unti-unti na ring sumisikat ang iba pang kanta ni Shaira kagaya na lamang ng “Forever Single” para maipamalas at maipakilala ang ganda ng Bangsamoro Pop. ### Kenneth Bermil

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *