Karl Yulo, pinangunahan ang PH team sa Pacific Rim Championships sa Colombia

Pinangunahan ng gymnast na si Karl Eldrew Yulo ang Philippine Artistic Gymnastics team matapos makapaguwi ng limang medalya sa katatapos lang na Pacific Rim Championships sa Cali, Colombia.

Si Karl, na kilala bilang kapatid ng Olympian na si Carlos Yulo, ay nakakuha ng mga gintong medalya sa floor and vault exercises, at silver medals naman sa individual all-around, still rings, at pommel horse.

Bukod kay Yulo, nanalo rin si John Ivan Cruz ng ginto sa vault, habang sina Juancho Miguel Besana at Charlie Manzano ay nakakuha ng bronze medals sa vault exercise ng men’s at women’s division.

Maalaalang noong Disyembre nang manalo si Karl ng pitong gintong medalya sa 2023 Batang Pinoy games.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *