Xian Lim, kinumpirma ang relasyon kay Iris Lee

Kumpirmadong nang may relasyon sa pagitan ng aktor na si Xian Lim at film producer na si Iris Lee.

Nang tanungin kasi Xian hinggil sa mga naglalabasang isyu at spekulasyon simula nang inanunsyo nilang dalawa ni Kim Chiu ang kanilang hiwalayan, diretsahang sinabi nitong “I’m seeing Iris.”

Ngayon lang siya nagsalita upang bigyang-linaw ang mga haka-haka tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobya, na aniya’y wala naman daw katotohanan.

Saad ni Xian, mutual decision naman ang kanilang paghihiwalay at hindi sangkot sa kanilang break up si Iris.

Nilinaw rin niya na hindi pa siya kasal at hindi totoong may kasalanang naganap sa New York.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *