Kaso ng COVID-19 sa Albay, bumaba na

LEGAZPI CITY – Nakitaan ng pagbaba ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Bicol, nasa lima na lamang mula sa labinglimang mga kaso nito ang naitala sa lalawigan.

Ang lunsod ng Legazpi ay mayroong dalawa kaso, habang tig-iisang kaso naman sa Bacacay, Oas at Tabaco City.

Kung matatandaan, ang bayan ng Rapu-rapu ay ang may pinakamaraming naitala na umabot sa 19 na kaso.

Hinikayat naman ng ahensya ang publiko na magpabakuna o magpa-booster, sabayan na rin ng pagsunod sa mga minimum public health standards upang makaiwas sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *