Kaso ng dengue sa bansa, tumaas ng  69% mula January 1 hanggang 28 ayon sa DOH

Tumaas ng 69 percent ang kaso ng dengue sa bansa mula January 1 hanggang January 28 ngayong taon.

Sa latest Disease Surveillance Report , iniulat ng Department of Health ang 7,804 na kaso na mas mataas kaysa sa 4,610 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamaraming kaso ang naiulat sa Central Luzon (1,032), National Capital Region (1,081), Zamboanga Peninsula (834), Northern Mindanao (821) at Calabarzon (639).

Samantala, mas mababa ang mga naiulat na namatay sa dengue noong Enero na may 22 kumpara noong nakaraang taon na may 38.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *