Kathryn Bernardo at Alden Richard tinanghal bilang bagong box office king and queen

Nasungkit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong titulo bilang Box Office King and Queen ng Box Office Entertainment Awards na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Hinangaan ang performance nina Kathryn at Alden para sa kanilang mga movies na “A very Good Girl” at “Five Breakups and A Romance.”

Samantala, sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na bida sa 2023 Metro Manila Film Festival Movie entry ng Star Cinema na “Rewind,” ay tinanghal na Box Office Phenomenal Stars ng Philippine Cinema.

Pinangalanan din ng mga organizers sina Donny Pangilinan at Belle Mariano bilang mga Prinsipe at Prinsesa ng Philippine Entertainment.

Ang awarding ceremony ay magaganap sa Mayo 12 sa Henry Lee Theater ng Ateneo De Manila University.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *