Kauna-unahang Trilateral Maritime Exercise ng Japan, U.S at Pilipinas ginaganap sa Mariveles, Bataan

Dumating na sa Pilipinas ang mga barko ng Japan Coast Guard at United States Coast Guard na kabilang sa gagawing kauna-unahang Trilateral Maritime Exercise kasama ang Philippine Coast Guard.

Sinalubong ng PCG ang Akitsushima at USCGC Stratton sa Port Area, Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Gagawin ang kauna-unahang Trilateral Maritime Exercise sa Mariveles, Bataan hanggang sa June 7 kung saan kasama ang mga barko ng PCG.

Kaugnay nito, nakatutok umano ang mga aktibidad sa mandato ng Coast Guard tulad ng maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: Embassy of Japan in the Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *