Kilalang Café sa Naga, nasunog! ; P7M, tinatayang pinsala

NAGA CITY – Tinatayang nasa anim hanggang pitong milyong piso, ang pinsala, matapos na masunog ang isang Café sa Barangay Pacol, Naga City alas sais trenta isingko 6:35 ng Biyernes ng gabi.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SFO1 Marvin Heinz Nebres, Imbestigador ng Naga City Fire Station, sinabing nagleak na gas o LPG, ang pinagmulan ng sunog, dahil sa gawa mula sa light material, kaagad na kumulat ang apoy at naideklarang fire out alas 7:14 ng gabi.

Sa panayam kay Wren Louise Almendral, may-ari ng naturang café, hindi siya makapaniwala na ang halos magtatatlong taon nilang pinaghirapan isang gabi lamang nawala, ngunit sa kabila nito laking papasalamat niya dahil walang nadamay sa insidente lalo na ang kanyang pamilya at mga staff.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, kasabay na rin ang pagpapaalala lalo na sa mga may mga negosyo na bago tuluyang magsara, idoble check pa rin ang loob labas ng bahay, o establisimento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *