Kinoronahang Miss Japan 2024, sinuko agad ang korona matapos ang 2 linggong pagkapanalo dahil sa pakikipagrelasyon sa pamilyadong lalaki?

Matapos makoronahang Miss Nippon o Japan si Karolina Shiino, dalawang linggong ang nakakaraan, isinuko niya agad ang kanyang titulo dahil sa mga isyu na kinasasangkutan ng naturang beauty queen.

Una na rito ay napag-alamang nakikipagrelasyon umano siya sa isang sa isang pamilyadong lalaki. Pangalawa’y kwenistiyon din ng ilan ang kanyang pagkatao matapos mapag-alamangang walang dugong hapon ang naturang beauty queen dahil siya nga ay natural-born Ukrianian.

Dahil dito, pinutakte ng batikos ang beauty queen at siya na ngayon ang kauna-unahang Miss Japan winner na isinuko ang korona.

Ang titulong Miss Nippon o Japan ay ang pagiging isang goodwill ambassador ng Japan, kung kaya’t isang malaking bagay ang kontrobersyal na ito.

Samantala, agad namang tinanggap ng mga organizer ang naging desisyon ng beauty queen at humingi na rin siya ng tawad sa kanyang nagawang pagsisinungaling. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *