Konstruksyon ng Regional Office building ng NIA Region 2, sisimulan na

Sisimulan na ang konstruksyon ng panibagong opisina ng National Irrigation Administration Region 2 sa Brgy. Camasi, PeƱablanca, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, matapos ang ilang dekadang pakikibahagi ng opisina ng NIA RO2 sa MARIIS na nakahimpil sa Minante 1 Cauayan City ay maisasakatuparan na ang pagpapatayo ng kanilang Regional Office Building.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Sr. Deputy Administrator BGen Abraham Bagasin (Ret), Regional Manager Raymundo Apil, CRPIP Project Manager Roland Apaga, Division Manager ng Apayao IMO, Engr. Samuel C. Bahiwag at Acting Division Manager Engr. Orlando Espejo ng Engineering and Operations Division.

Ipinaliwanag ni Engr. Espejo na ang kabuoang magagastos sa konstruksyon ng opisina at building facilities ng NIA RO2 ay aabot ng 177.2 milyon pesos.

Kabilang na aniya rito ang konstruksyon ng 2-storey Regional Office building na may lawak na 900 sq.m; 2-storey staff house building na may lawak na 480 sq.m; 2-storey Guest House na may kabuoang floor area na 117, sq.m; furnitures and office equipment, drainage network, site development and fencing, guard house, motor pool at material testing office.

Mayroon na umanong inilabas na pondong 78 milyon pesos para sa Phase 1 ng implementasyon ng nasabing proyekto na inaasahang matatapos sa loob ng 210 days.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *