Koronadal, may natatanggap na pondo mula sa income ng PCSO

KORONADAL CITY – 5% sa gross ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang pumapasok sa general fund ng mga lungsod at bayan sa Koronadal.

Ito ang inihayag ni City Councilor Bernardo Hinay, chairman ng Committee on Games and Amusement ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal kung saan nagbibigay ang PCSO ng share sa lungsod simula pa noong nakaraang mga taon.

Ayon kay Hinay, na sa ngayon, target ng ahensya na mayroong isang memorandum of agreement o MOA sa pagitan nila ng city government sa layuning matukoy ng lungsod kung ilan ang opisyal na bilang ng pondo ang pumapasok sa general fund sa pamamagitan ng pagsasagawa ng special account.

Ayon kay Hinay, na bawat taon, may tinatanggap ang lungsod kabilang na ang ibang mga lungsod at bayan sa bansa mula sa ibang gross ng PCSO. Target din ng MOA na magamit sa charitable at medical purposes na kinabibilangan ng: medical, dental, medical donation, hospitalization, procurement of milk and or production a maraming iba pa. Samantala, umaasa naman ang mga miyembro ng konseho na ito ay magiging isang progresibong proyekto para sa lungsod ng Koronadal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *