Kris Aquino at Mark Leviste – hiwalay na dahil hindi kinaya ang LDR

Hiwalay na si Kris Aquino at si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Ito’y matapos lamang ang isang buwan namabalitaang nagbalikan ang dalawa.

Nilinaw ni Kris ang balita na lumabas nitong November 9 na idineklara na raw ni Mark ang kanyang pagmamahal kay Kris Aquino.

Ayon sa Queen of All Media, walang katotohanan ang lumabas dahil nahihirapan ito sa long distance relationship o LDR at mabigat din dahil sumailalim siya sa mga medical treatment sa kanyang sakit.

Paliwanag ni Kris nitong November 3, nag-initiate na siya ng break up pero ayaw niya magbigay pa ng detalye dahil masyado raw mabigat ang hiwalayan para sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *