Kyt Jimenez, diagnosed ng blowout fracture matapos masiko ni Cliff Hodge

Na-diagnose si San Miguel Beerman rookie Kyt Jimenez na may blowout fracture sa boundary ng kanyang mga mata at ilong.

Sa kanyang Facebook post, nagpasalamat si Kyt sa kanyang mga taga-suporta at pinayuhan din nito ang mga fans na huwag makipag-away sa mga bashers ng kanyang injury.

Bukod dito, nagpasalamat din siya sa San Miguel Beerman sa pag-aasikaso sa kanya.

Kung maaalala, sumalang si Jimenez sa unang laro kontra Meralco sa PBA Commissioner’s Cup.

Naputol ang 12 minuto pa lamang na paglalaro niya matapos masiko ni Cliff Hodge.

Nakapag-ambag naman siya ng 2 points; 2 rebounds; at 2 steals para sa Beerman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *