Lakers naitabla ang serye sa Suns, 1-1

Hindi binigo ni Anthony Davis ang mga fans ng Los Angeles Lakers nang sabihin nitong babawi sa Game 2 laban sa Phoenix Suns matapos ang malamyang performance sa unang laban.

Humakot ng 34 points at 10 rebounds si Davis para igiya ang panalo ng Lakers at maitabla ang serye sa 1st round ng Western Conference playoffs.

Dinagdagan naman ito ni Lebron James ng 23 points at 9 assists.

Kontrolado ng defending champion ang laro kung saan umabot pa sa 15 puntos ang lamang nito subalit dumikit ang Suns sa 93-92 bago pumasok sa huling tatlong minuto sa 4th quarter.

Dito na nagpakitang gilas sa opensa at depensa ang tambalang Davis at Lebron para tuluyang selyuhan ang panalo ng Lakers.

Pumuntos ng 31 si Devin Booker para sa Phoenix habang si Deandre Ayton ay nag-ambag ng 21 points at 10 assists.

Pinilit naman ni veteran guard Chris Paul na makatulong sa kanyang team sa kabila nang iniindang injury subalit humakot lamang ito ng 6 puntos at 5 assists.

Gaganapin ang Game 3 sa homecourt ng Los Angeles Lakers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *