Magkapatid nalunod sa Topland River; 1 patay, 1 naka-ligtas

KORONADAL CITY — PATAY ang limang taong gulang na bata habang nailigtas naman ang 2 taong gulang na kapatid nito matapos nalunod sa Topland River sa Barangay Topland, nitong lungsod kaninang umaga.

Iniwan umano ang magkakapatid sa kanilang tiyahin matapos umalis ang mga magulang ng mga ito upang mag-ani ng kamoteng kahoy.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa nagbabantay sa dalawang bata, hindi umano nito napansin na sinundan siya ng mga ito sa ilog kung saan ito naglalaba. Matapos ang paglalaba, agad umano nitong hinanap ang dalawa ngunit hindi na niya ito makita dahilan kung bakit humingi na ito ng tulong sa mga kapit-bahay.

Sa paghahanap, nakita na lamang ang limang taong gulang na bata na lumulutang na sa ilog kasama ang kapatid nito.

Agad na isinugod ang dalawa sa South Cotabato Provincial Hospital kung saan ideneklarang dead on arrival ang 5-anyos na bata habang patuloy namang nagpapagaling ang nakababatang kapatid.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *