Lakers talo sa Nuggets 129-118, tiyansa sa play-in tournament lumalabo

Lumiit pa ang tiyansa ng Los Angeles Lakers para tuluyang makalahok sa NBA play-in tournament matapos muling makalasap ng pagkatalo sa Denver Nuggets 129-118.

Hinarap ng Lakers ang Nuggets na wala si Lebron James dahil sa ankle sprain.

Nanguna sa panalo ng Denver si reigning MVP Nikola Jokic na humakot ng 38 points, 18, rebounds at 6 assists.

Sinubukan naman ng nagbabalik na si center-forward Anthony Davis na buhatin ang Laker sa kanyang 28 puntos, 9 rebounds, at 8 assists subalit hindi ito umubra.

Kailangan ng Los Angeles na makuha ang 10th place para makasali sa play-in tournament at magkaroon ng tiyansa sa play-offs pero kailangan nitong talunin ang mga bigating teams katulad ng Phoenix Suns, Golden State Warriors at re-match sa Nuggets sa natitirang game schedule.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *