May ari ng isang internet shop huli sa buy bust operation sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang may ari ng internet shop sa buy bust operation sa Purok 7, Barangay San Roque bayan ng Daraga Albay.

Kinilala ang suspek na si Leo Richard Paguio Pedrosa, 33 anyos residente ng P3 Barangay San Roque Lungsod ng Legazpi.

Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti-Illegal Drug Operation ang Daraga mps kasabay ang Pdea 5 sa nasabing lugar kung saan positibong kumagat sa pain ang suspek matapos pagbentahan nito ng ilegal na droga ang poseur buyer sa halagang P1500.

Narekober sa kanya ang dalawang pirasong plastic sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit sa buy bust operation.

Ang suspek ay nasa kostudiya ng nasabing himpilan ng pulisya habang inihahanda na ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 Samantala, Tiklo ang tatlo katao sa Purok 6, Brgy.

Guilid lungsid ng Ligao dahil sa ilegal na pagsusugal. Kinilala ang mga suspek na sina, 1. Juanito Pura Ferando, 75 anyos, Gina Ferando Sabina, 54 anyos at si Maribel Velasco Eta, 32 anyos lahat ay residente ng Purok 6, Greenfield ng nasabing barangay.

Ayon sa report, hapon ng ikasa ang Anti-Illegal Gambling Operation sa nasabing lugar matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang concerned tungkol umano sa ilegal na pasugalan.

Dahil dito agad na pinuntahan ang lugar kung saan naaktohan ang mga suspek na naglalaro ng tong its na nagresulta naman ito ng pagkakaaresto sa mga nabanggit na persona.

Narekober sa kanila ang isang set na baraha at pera na ginamit sa pagsusugal. Ang mga suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *